Mga Kwentong Kaututan (maikling bersyon)
Utot na amoy daing na pusit na may toyo na nilagyan ng kalamansi na may pinagsanib na amoy ng bawang sa sinangag sa loob ng restawran habang may sumabay umutot ng amoy kapeng barako at napadighay ang katabi ko! (Pwooot!)
Anong hiwaga ba'ng nakabalot sa 'ting mga utot? 'Pagkat ang hindi nakalusot at minalas makasinghot ay talagang sumisimangot, May utot na amoy bulok na kapag sa ilong ito'y pumasok,
Tiyak na babarandal ka sa sulok, Mahihilo't masusulasok, Parang may nakapasok na isang makapal na usok, Karaniwang naitatanong, Anong malas ang pumasok? May nanghihingi ng tulong, Habang ang kawawang ilong, Sa mga kamay ay pilit ikinukulong, Ang isa sa marami kong kwentong kaututan ay nangyari sa loob ng dyipni; Habang aking katabi'y 'sang magandang binibini, Bakit hindi mapakali? Dahil ba sa sukli? Bakit namimilipit at may pilit iniipit? Habang sa estribo'y mahigpit na nakakapit, Aha! Pagpigil ay 'di na kinaya, Kaya't kanyang ipinaubaya, Sa hangin ay may pinalaya, Aba't anong amoy ng pusali, Ang bwisit na sa akin ay parang kumapit? Parang may biglang kumalabit, Na 'sang amoy na mapangit, At sa kawawa kong ilong ay talagang gumuguhit, Inakupo't anong saklap naman! Ang binibini'y nakuha pang magsungit, 'Pagkat siya raw ay naiipit, Kunwa'y nagagalit sa amoy na mapangit, Itinatat'wang utot na mabagsik, Na siya'ng naghasik, Ang tunay na salarin, At siyang dapat bitayin, 'Pagkat sa aking pang amoy,
Ay dumidikit ng pilit, At talagang nangungulit,
Itong utot na malupit! Kaya't ako'y nanalangin, Sa Diyos na mahabagin; "Ang mabahong hangin, Ay Iyo po sanang tanggalin, At baka ang dyipni'y dumiretso sa bangin," 'Pagkat ang mamang drayber, Ay 'di rin nakalusot, At minalas na makasinghot, Ng utot na mabantot! (Pwhoooot!) May karugtong pa ng ilan sa aking mga kathang-tula ng kaututan, sa mga sumusunod na lugar; • Pampublikong palikuran, • Restawran, • Eskwelahan, • At hindi rin nakalusot pati na ang Simbahan at maging sa ilang piling lugar ng mga kawalang hiyaan. — TumblrWritings, Mga Kwentong Kaututan (2017) Ito'y aking sariling-kathang tula ng mga kaututan mga kalibugan, pweh! este, mga kaibigan pala... ngunit utot ay 'di na kinaya, kaya't itutuloy 'pag wala na'ng amoy!