top of page

Ayoko Na! (maikling bersyon) (reggae instrumental).


Ayoko Na! P'wede Ba?

Ayoko na’ng magalit, Kahit pa may nangungulit, Dahil mukha ay pumapangit, At parang napupunit, Ayokong maging tamad, 'Pagkat walang patawad, Ang gutom ng sikmura, Sa bitukang nagmumura, Sa kahirapan sa buhay, Ay umaayaw na, 'Pagkat sa mga bagay ay salat, At sawang sawa na,

Ayoko rin namang mapagod, Dahil sa sobrang kayod, O kaya ay magpuyat, Lumalabas buto't balat, Kapag nangangayayat,

Ayaw ko sa mga pangakong, Madalas na napapako, Sa una'y matuwid na inaako, Ngunit sa huli’y binabali’t lumiliko,

Ayoko rin ng away, Lalo na’t nambabangay,

Ay may nambabanggang sungay, Dahil kapag natisod o kaya’y umurangod, Tiyak na gasgas sa tuhod,

Bali ang gulugod o kaya, Nguso’y nangudngod, Ang ayaw ko sa maporma, Kahit pa mapera,

Mayabang umasta, At may ugaling butata, Ayaw ko rin sa bastos,

Ay may mga ugali’t kilos, Na padalos-dalos, Kahit ka pa ‘tapos’, Ayoko sa taong bungangera, Dahil para kang nasa giyera, Lalo na’t tinitira, Kapag walang pera, Parang naluging kahera, Sa natirang mamera, Na doble pa ang kara, Walang kapara, Umuusok na mga mura, Ayaw ko ng masungit, Lalo na’t ito ay pangit, May maitim na singit, At mabaho ang anghit, Lalong ayoko sa mga tsismoso’t tsismosa, Mahusay manilip, manira’t mamintas, Sa mga panghuhusga ay laging ugaga, Kahit abutin ng umaga, Mga bungangang nagbabaga, Sa mga kwentong sari-sari, Matatalo sermon ng pari, Kahit anong maiulat, Sa bungangang taratitat, Kahit anong maikalat,

Basta’t makaratrat, Kahit mamatay pa ng dilat, Ayaw ko din sa mga ipokrita, Akala mo’y santa, ‘Pagkatapos magsimba, ‘Sing itim naman ng tinta, Sa ugaling nangmamata, Dasal pa ng dasal, Umaastang banal, Ngunit malayo sa inaasal, Ayoko sa mga adik, Sa droga’y pabalik-balik, At laging nasasabik, Sa kanilang mga lungga, Ay parang mga daga, Kapag binubulaga, Ayaw ko sa mga kurakot, At may kamay na malilikot, Sa kaban ng bayan ay hakot kayo ng hakot,

Mga mukha kayong kulangot, Sa Diyos kayo’y matakot! ... Traydor, ... Estapador,

... Alaskador, ... Sugarol, Mga nambubulbol, Na mga mukhang tukmol, Sarap batuhin ng palakol, Sa mga ugaling mapurol, Dapat sa inyo’y iburol! — Ayoko Na! (maikling bersyon), TumblrWritings (2017)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page