Digma Ng Salita (maikling bersyon).
Salitang Pandigma ni Jay Recitas Burayag
Makinig ang bagong salta, Humanda ka sa pandigma kong salita, Huwag kang kukurap sa tula kong pandigma,
Kalasag mo'y walang panama, kapag ito'y tumama, Kasing tulis ng sibat, kasing talas ng tabak, Hindi ka ba nangangamba sa bitaw kong mga tugma? Sa aking mga ritmo'y talasan ang paningin, Para itong isang hangin sa iyong paningin. Isusumpa mo ang araw na ikaw'y lalangin... Walang lulusutan! Anong huling habilin? Sa 'yong hukay ano ang dadalhin? Ikaw'y sagpangin, katayin, lupigin, durugin, talunin, tibagin, Sa bigkas na matulin, sakmalin, sakalin, kitilin ng matulin, hindi makakawag, hindi makapalag, hindi makasalag, Sa walang habag na mga balibag, Ikaw ba'y naduduwag? (o pikon?) dapat huwag, (dekada) sa sukat ng agwat, Hindi paaawat, Dapat na sigurong sumibat, Ang walang binatbat, Una mong bitaw ay isinigaw, 'Utak raw na masabaw', Akala ko ba nilaga? Bakit naging torta? Sa pagkabutata bagsak mo'y kubeta, Bigla kang nagtae, (sinong may pake?) Anak ka ng putakte, Binagsakan pa ng adobe, Mula sa mataas na tore, Utak ng biya, (sa mga linya) Sa pagkapahiya, Bigla nang nagyaya, Hindi na kinaya... (yare) Sige merong partida, Ikaw ang bida, ako na'ng kontrabida, Ngunit sa 'yong mga tirada, parang chicarong makunat na sobra pa sa alat, Wala na bang ibabatbat? Maigi na ang sumibat, Sa koponan ay talunan, Puro kapintasan hindi na matatakasan, Tapos na ang kilusan! (yare) 🇵🇭